Wednesday, August 26, 2009

tropa1st

"MASWERTE AKO!!!" Di ako siguro magsasawang sabihin yun sa lahat ng tao. Maraming aspeto sa buhay ko ang makapagpapatunay sa mga katagang ito. Maswerte ako sa buhay, sa trabaho, at higit sa lahat, maswerte ako sa mga taong nakapaligid sa kin. Marahil ay nagtataka ka kung bakit ito ang napili kong pamagat ng blog na ito. TROPA FIRST. Yan ang tamang basa jan. At dahil ito ang URL namin, naaangkop lamang na tungkol dito ang una kong isulat. Sa mga susunod na mga araw ay makikilala mo siguro ako, at ang mga taong bumubuo ng samahang ito. At dahil ako ang mas maraming free time sa kanila(EHEM), hayaan mong ako na ang magsimula ng lahat ng ito.

"Bakit TROPA FIRST?" Nagsimula ito nung nasa ika - apat na taon kami ng high school. Sa totoo, ang complete name nyan ay TROPA FIRST PLATOON. Siguro ay may idea ka na bakit ganito ang pangalan namin. Pero pinagpapauna ko na na hindi kami mga officer ng C.A.T. (isa lang ang officer sa min). At lalong hindi ko paboritong parte ng buhay ang training na yun. Siguro hindi na mawawala ang tinatawag na barkadahan ng mga high school students. At ang mga talaga namang addict sa bonding ay nag iisip talaga ng mga pangalan sa kanilang samahan. Merong sigurong "MAGIC 5" pero anim silang myembro. Meron pang "COOL DUDES", "HELLO KITTY GANG", at meron ding miyembro ng "First United Church of Kalentong". Ikaw na ang kumuha nang acronym nung huli. Mabalik tayo sa kwento ko, "bakit TROPA FIRST?", wala lang kaming magawa. nakatambay kami nun sa walkway ng eskwelahan namin nung maisip ko ang pangalan na iyon. At nung tanungin nila ako kung bakit ko naisip yun, isa lang ang nasabi ko sa kanila. Sa barkada natin isa lang ang rule, "UNA SA LAHAT, TROPA!!" (cue in music, TINUNINUNING...)

No comments:

Post a Comment