Wednesday, August 26, 2009

10 Years after...

Lagi ko sinasabi sa mga tao na halos lahat ng mga pangyayaring humubog sa buhay at pagkatao ko ay nangyari nung ako ay nasa college. Ngunit di ko kailanman ipagpapalit ang mga taong nakasama ko nung nasa High School ako. Sino ba naman ang makapagsasabing matapos ang mahigit 10 taong lumipas ay sila pa din ang kasama ko sa buhay. Katulad ng sinabi ko sa nakaraan kong post, MASWERTE AKO dahil sa kanila. Kung may linya sa kanta ng APO na “Nagsimula ang lahat sa eskwela…” marahil ay naaangkop ito sa maraming kabataang dumaan sa high school. Subalit ang linyang “ San na nga bang barkada ngayun?” sa pareho ding kanta ay di angkop sa amin. Nakagugulat mang isipin, pero regular pa din kaming nagkikita. Aaminin ko marami na ang nagbago sa amin. Sa itsura, sa pag uugali, sa pananaw sa buhay at kung anu anu pa, ngunit maipagmamalaki ko na ang lahat ng pagbabagong naganap ay nagresulta sa ikabubuti, di lamang bilang indibidwal , kundi para sa aming lahat sa kabuuuan.

1 comment: