Tuesday, September 1, 2009
Magandang Balita
Lalo nyo pang makikilala si Ian sa mga susunod na mga araw.
Mabuhay ka Ian!!!
Thursday, August 27, 2009
Silent Water Runs Deep
POL: ....
Author: ....
POL: ....
Yan ang usapan namin ni POL pag wala ako maisip na topic.Si PAUL IVIN MARLO BUSTAMANTE RABANG, na mas kilala sa tawag na POL dahil sobrang haba ng pangalan nya, ang pinakatahimik sa aming lahat. Hindi dahil sa wala syang sasabihin kundi likas na talaga sa kanya ang pagiging tahimik. Maraming bagay ang pwedeng sabihin tungkol kay POL. Sya ang BASSIST ng banda namin noon, ang VEGETABLES. Mahilig syang magpadikit ng pira-pirasong clay sa kisame ng classroom namin noong 2nd year high school kami. Huwag nyo na itanong sa kin kung bakit. Ganun sa barkada namin, kung anu trip mo, at hindi ka naman nakakasakit, ayus lang. :) Kahit sino makausap mo, sasabihin nila sayo na pogi si POL (kamukha nya si Jake Roxas). Isa syang QA ngayun sa isang sikat na BPO company. Pumasok din sya at nag-gugol nang may 3 taon sa loob ng seminaryo. At meron ding silang kasunduan ni Jen Aguila tungkol sa mga futures nila. (boses ni PEEJAY: "SOBRANG CHEESY!!!") Pero ang tunay na kahangahangang katangian ni POL ay di madaling makita sa unang tingin.
Sa maagang edad ay nataglay ni POL ang tibay ng loob at determinasyong itaguyod ang kanyang mga kapatid. Lumabas sya sa seminaryo pagkatapos nilang maulila upang makapagtapos sya agad ng pag aaral at makakuha ng stable na trabaho alang alang sa kanyang mga kapatid. Sa ngayun ay nakapagtapos na ng NURSING ang pangatlo nyang kapatid. At sa tulong ng kapatid nyang pangalawa, pinaghahandaan na nila ang mga susunod pang taong pag aaral ng kanilang bunso.
I cannot help but be proud about knowing a person with this kind of resolve. Paul came through when others in this kind of situation went down without a fight. We are truly blessed to have this kind of person around us almost everyday.
Wednesday, August 26, 2009
10 Years after...
Lagi ko sinasabi sa mga tao na halos lahat ng mga pangyayaring humubog sa buhay at pagkatao ko ay nangyari nung ako ay nasa college. Ngunit di ko kailanman ipagpapalit ang mga taong nakasama ko nung
tropa1st
"Bakit TROPA FIRST?" Nagsimula ito nung nasa ika - apat na taon kami ng high school. Sa totoo, ang complete name nyan ay TROPA FIRST PLATOON. Siguro ay may idea ka na bakit ganito ang pangalan namin. Pero pinagpapauna ko na na hindi kami mga officer ng C.A.T. (isa lang ang officer sa min). At lalong hindi ko paboritong parte ng buhay ang training na yun. Siguro hindi na mawawala ang tinatawag na barkadahan ng mga high school students. At ang mga talaga namang addict sa bonding ay nag iisip talaga ng mga pangalan sa kanilang samahan. Merong sigurong "MAGIC 5" pero anim silang myembro. Meron pang "COOL DUDES", "HELLO KITTY GANG", at meron ding miyembro ng "First United Church of Kalentong". Ikaw na ang kumuha nang acronym nung huli. Mabalik tayo sa kwento ko, "bakit TROPA FIRST?", wala lang kaming magawa. nakatambay kami nun sa walkway ng eskwelahan namin nung maisip ko ang pangalan na iyon. At nung tanungin nila ako kung bakit ko naisip yun, isa lang ang nasabi ko sa kanila. Sa barkada natin isa lang ang rule, "UNA SA LAHAT, TROPA!!" (cue in music, TINUNINUNING...)
